Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

Month of August

12 - Eid’l Adha – No Classes

17,19 -20 - First  Periodical Test

21 - Ninoy Aquino Day – No Classes

      Foundation Anniversary of the Diocese of Pasig

23- Culminating Activity - Buwan ng Wika

 

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2019-2020
Who's Online
We have 14 guests online
August 2019
SMTWTFS
123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

postheadericon stvps

postheadericon United Nations: International Year of the Reef


Luis Sidney N. Mariano


                          Ang United Nations ay may malaking ginagampanan sa pagsulong ng karapatang pantao, panlipunang pag-unlad at kapayapaan sa buong mundo. Noong ika-24 ng Oktubre 1945 naganap ang makasaysayang pagtuldok ng digmaan sa pagitan ng mga bansa at dahil ito sa iisang adhikain. Mula noon ay ipinagdiriwang na ito ng bawat bansa. Ang tema ngayong 2018 ay “International Year of the Reef”.  Ipinapahayag nito ang kahalagahan ng ating likas na yaman na matatagpuan sa ilalim ng dagat. Napakahalaga ng coral reef sa ating ecosystem dahil ito ay konektado sa bawat organismo at kapaligiran. Isang kayamanan ito para sa tao dahil natatamasa natin ang pinakamagandang regalo na pwede nating matanggap mula sa Panginoon. Nakakalungkot lang isipin na tayo mismo ang pangunahing dahilan kung bakit ito nasisira at nawawala. Ang maduming tubig at pagkuha nito bilang dekorasyon sa tahanan ay dalawa lamang sa marami pang kadahilanan kung bakit ito unti-unting naglalaho. Kapag tiningnan ito sa ibang perspektibo walang iba kundi tao lamang ang mag-aalaga rito. Huwag na tayong magbingibingihan at magbulagbulagan at simulan na natin ang pagbabago. Dahil kung hindi ngayon, kailan? At kung hindi ikaw, sino?
                       Ang Sto. Tomas de Villanueva Parochial School ay nagkaroon ng mga aktibidad bilang pakikiisa sa pagdiriwang. Nagtulong-tulong ang mga guro at mag-aaral upang mas mapaganda pa ang pagdaraos ng okasyon ngayong taon. Nagkaroon ng Histo Quiz Bee, Pageant, Poster at Slogan Making Contest na may kaugnayan sa tema. Ipinakita ng mga mag-aaral na kalahok ang kanilang galing sa Histo Quiz Bee. Ang mga tanong ay tungkol sa asignaturang Araling Panlipunan at nahahati ito sa tatlong bahagi easy, average at difficult. Napatunayan dito na kahit saang asignatura ay may maibubuga ang STVians.

Ang mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan ay ang mga sumusunod:

Elementarya

1. Ikatlong karangalan
Sean Emmanuel O. Formalejo
Kenneth Joseph Robles
Neouril Cabal

2. Ikalawang karangalan
Janelle Monique D. Riofrio
Rauna Celine C. Ereve
Jannah Arwen R. Garcia

3. Unang karangalan
Bernadine B. Balila
Ma. Mikaela O. Bubutan
Johnnex Kaiser B. Ramos


Sekondarya

1. Ikatlong karangalan
Rosymei Flor P. Sta Ana
Ma. Rodeth C. Evangelista
Hanz Christian G. Petil
Hanz Tristan O. Cruz

2. Ikalawang karangalan
Jeraldine Geoyce S. Padel
Clarenz Ellie A. Eugenio
Frances Sophia A. Santos
Franzelle C. Caeg

3. Unang karangalan
John Benedict S. Neo
Ryan Andrei C. Esponga
Alexine C. Maloping
Luis Sidney N. Mariano


                          Nagkaroon ng Poster and Slogan Making Contest para naman sa may mga talento sa pagguhit at pagpinta. Kamangha-mangha ang kinalabasan ng mga obra at dahil ito sa kanilang kakaibang ideya. Naibigay ang mensaheng ninanais nilang sabihin sa buong mundo.

Ang mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan ay ang mga sumusunod:

Poster Making Contest

Elemantarya

1. Yuri F. Sy - Ikalawang karangalan
2. Misha Gael S. Revilla - Unang karangalan


Sekondarya
1. Franzelle C. Caeg - Ikatlong karangalan
2. Alexus Eon M. Cruz - Ikalawang karangalan
3. Russel G. Borda - Unang karangalan


Slogan Making Contest

Elementarya

1. Cielo N. Edroso - Ikalawang karangalan
2. Miguel R. Tropa - Unang karangalan


Sekondarya

1. Rhezlyn Joy R. Mesa - Ikatlong karangalan
2. Eureka Red V. Faderogao - Ikalawang karangalan
3. Ralph Michael S. Catamora - Unang karangalan


                          Ang nagdisenyo ng entablado para sa United Nations Pageant ay ang mga ika-sampung baitang bilang proyekto at tulong nila sa programa. Ipinamalas ng mga bata mula Nursery, Kinder, ika-1, 2 at 3 baitang ang talento nila sa pagsasalita at pagbibihis ng mga kasuotan ng bawat bansa na kanilang kinatawan. Nirepresenta nila ito sa lahat ng may puso at lakas ng loob. Sinisimbolo nito ang pagkakaisa ng mga bansa kahit may pagkakaiba.

Ang mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan ay ang mga sumusunod:

Best in Costume

Nursery

1. Giulio Leandro Gacutan - Italy
2. Evo Orianthi H. Borilla - Ireland

Kinder

1. Dale Allen Samson - Papua New Guinea
2. Ayesha Gabrielle B. Leelian - Saint Lucia

Grade 1

1. Gadiel Yasir E. Reyes - Egypt
2. Julianna R. Menez - Syria

Grade 2

1. Robin Sebastian S. Lapuz - Ukraine
2. Calista Liyan R. Viray - Denmark

Grade 3

1. Jean Yuan Ji B. Sumaylo - Central African Republic
2. Julianne Margaret S. Cruz - Gabon


Special Awards

1. Jonel Renz O. Racquel - Philippines
2. Danrose Quennie A. Matre - Philippines


                          Bagama’t dalawang linggo lang ang pagdiriwang, ang mensahe nito ay patuloy na tatatak sa isipan ng mga tao. Sana sa huli matutunan nating huwag unahin ang pansariling interes, magkaroon ng disiplina sa lahat ng oras at higit sa lahat laging paigtingin ang kapayapaan. Nagpapasalamat ang Departamento ng Araling Panlipunan sa lahat ng lumahok at nakiisa sa mga gawain at paligsahan. Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos!

Last Updated (Thursday, 25 October 2018 15:19)