Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

July 28,29,30 2017 - Employees Retreat

July 28,30 2017 - No Classes

 

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2017-2018
Who's Online
We have 23 guests online
September 2017
SMTWTFS
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Affiliations

postheadericon stvps

postheadericon Paggunita ng Unang Misa ng Biyernes sa Buwan ng Agosto 2017

Paggunita ng Unang Misa ng Biyernes sa Buwan ng Agosto 2017

by:Alyssa Rein M. Hablado
Grade 9- Mary Undoer of Knots


               Nakagawian na ng aming paaralan ang paggunita sa Unang Biyernes ng buwan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng misa. Ika-4 ng Agosto nang ipagdiwang ng Sto. Tomas de Villanueva Parochial School ang Banal na Misa. Kasabay rin nito ang pagdiriwang sa kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang patrong santo ng mga kura paroko. Ang misa ay pinamunuan ni Fr. Darwin Calderon bilang punong paring  tagapapagdiwang at si Bb. Gina Bagtas ang nagsilbing bilang commentator. Ang nanguna sa unang pagbasa ay si Bb. Jelisa R. Victorino gurong tagapag-ugnay ng Departamento ng Filipino. Sumunod ay ang Salmong Tugunan na pinangunahan ni Lady Andrea D. Cruz na nagmula sa ikasiyam na baiting. Si Bb. Paola Villegas, guro sa Filipino naman ang namuno sa Panalangin ng Bayan.
          Ang homily naman ay nagmula sa aklat ni San Mateo na isinagawa ni Fr. Darwin Calderon. Pagkatapos nito ay sumunod ang panunumpa ng mga bagong halal na PAC Officers (Parent Advisory Council) na pinangunahan ng PAC Officer President na si G. Joseph Bimbo Quibael. Ang pagtawag sa mga PAC Officers ay pinangunahan ni Bb. Maria Lucia M. Cruz na siya ring tagapayo sa pamunuan ng PAC, Gurong Tagapag-ugnay ng Matematika at Assistant to the Principal. Sinundan ito ng offertory, na pinamunuan ng mga bagong halal na PAC Officers at kasabay na rin nito ang pagbasbas sa kanila ni Fr. Darwin Calderon.
Narito ang listahan ng mga bagong halal na mamumuno sa PAC taong 2017-2018:

President: Mr. Joseph Bimbo Quibael
Vice President: Mrs. Marilyn Vasquez
Secretary: Mrs. Susan Tagle
Asst. Secretary: Mrs. Rosela Matre
Treasurer: Mrs. Vilma Basco Cruz
Asst. Treasurer: Mrs. Maureen Rogado
Auditor: Mr. Albert Morandarte
PRO (Internal): Mrs. Elsa S. Cruz
PRO (External): Mrs. Edgielyn Chua
Sgt. at Arms: Mr. Warren Nonato & Mrs. Rochelle Salvacion
Pre School: Mrs. Rosela Marte
Grade 1: Mr. Pio Ronato
Grade 2: Ms. Elisa Sumaylo
Grade 3: Mrs. Charisma Soriano
Grade 4: Mrs. Rhodalyn Barredo
Grade 5: Mrs. Ester Sarmiento
Grade 6: Mrs. Sharon M. Santos
Grade 7: Mrs. Perla Dela Torre
Grade 8: Mrs. Caroline R. Pangan
Grade 9: Mrs. Imelda Contemprato
Grade 10: Mrs. Shidel Demdam

          Natapos ang misa at tinanggap ng bawat estudyante, guro, mga iba pang empleyado, pamunuan at magulang ang panghuling basbas ng punong paring tagapagdiwang na si Fr. Darwin Calderon. Pinaunlakan at binigyang parangal nina Dr. Leo B. Galve, direktor ng paaralan at Dr. Marcella D. Bejado, prinsipal ng paaralan ang mga dating namuno sa PAC (Parent Advisory Council) at pati na rin ang tagapayo sa pamunuan ng PAC na si Bb. Maria Lucia M. Cruz. Maayos at masayang bumalik ang mga mag-aaral sa kanilang mahal na paaralan. Nagkaroon din ng simple ngunit makabuluhang salo-salo ang nasabing pamunuan pagkatapos ng Banal na Misa.

Last Updated (Friday, 11 August 2017 06:39)