Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

June 13, 2017 - Opening of Classes

June 24, 2017 - Parent's Orientation

June 26, 2017 - Eidul Fitr No Classes

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2017-2018
Who's Online
We have 9 guests online
June 2017
SMTWTFS
123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930
Affiliations

postheadericon stvps

postheadericon Buwan ng Wika 2016 (Ika-50 Taong Pagkakatatag)


ni: Ronally Doctor
       Naimpluwensiyahan man tayo ng mga dayuhan ng kanilang iba’t ibang kultura, hinding-hindi maiwawaksi ang pagmamahal sa sariling wika natin. Ayon nga kay Gat. Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa mabaho at malansang isda.” Taon-taon ay nagdiriwang tayo ng Buwan ng Wika na mas naging espesyal ngayong taon kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag ng mahal nating paaralang STVPS. Isang makulay at makabuluhang pagtitipon ang ginanap noong ika-26 ng Agosto, 2016.
       Pasado ikawalo ng umaga nang magsimula ang programa para sa elementarya dahil sa patuloy na pag-ulan. Gayunpaman, maayos na nasimulan ang programa sa mga bagong gawang silid ng paaralan. Sina Gng. Ronald Cruz at Bb. Katherine May Ariem ang naging tagapagdaloy ng palatuntunan. Pinamunuan ni Bb. Kristin Claire Esber ang pambungad na panalangin na sinundan ng pambansang awit sa pagkumpas ni Vanessa Rogel. Nagpahatid din ng panimulang bati si Bb. Jelisa Victorino na nagmula sa ating punong-guro, Sister Rosalie Regencia. Ang bawat kalahok ay kumakatawan sa kani-kanilang kulay. Sinimulan ang programa sa pagpapakilala sa mga hurado. Unang ginanap ang Paligsahan sa Pagtula na nilahukan ng mga mag-aaral sa una at ikalawang baitang. Ang tula ay pinamagatang “Pilipino.” Ang mga kalahok ay sina:
1.    Sabreenah Karla San Juan (Blue Spartans) na nagkamit ng unang karangalan.
2.    Trixcy Cruz (Black Phoenix) ay nagkamit ng ikalawang karangalan
3.    Jhenica Castillo (Yellow Cubs) ay nagkamit ng ikatlong karangalan
4.    Bernadine Balila (Red Stallions) ay nagkamit ng ikaapat na karangalan
5.    Adriana Adriano (Animo Green Eagles) ay nagkamit ng ikalimang karangalan
    Sumunod ay ang Masining na Pagkukwento na nilahukan naman ng mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na baitang. Ang kwento ay pinamagatang “Ang Aso at ang Karne.”Ang mga kalahok ay sina:
1.    Tayshaun Dave Cruz (Yellow Cubs) na nagkamit ng unang karangalan
2.    Christelle Trixine Piduca (Red Stallions) ay nagkamit  ng ikalawang karangalan
3.    Shanesca Villanueva (Blue Spartans) ay nagkamit ng ikatalong karangalan
4.    Jillian Carmel Bulan (Animo Green Eagles) ay nagkamit ng ikaapat na karangalan.
     Sa kasamaang palad ay hindi nakarating ang kandidato ng Black Phoenix. At ang pangatlong patimpalak ay ang Paligsahan sa Pag-awit na nilahukan ng mga mag-aaral sa ikalima at ikaanim na baitang. Ang mga kalahok ay sina:
1.    Krisjane Yumi Lauc (Blue Spartans) na umawit ng Tuwing Umuulan at Kapiling ka ay nagkamit ng unang karangalan.
2.    Daian Dela Paz (Black Phoenix) na umawit ng Sa’yo ay nagkamit ng ikalawang karangalan
3.    Clarence Ellie Eugenio (Yellow Cubs) na umawit ng Panalangin ay nagkamit ng ikatlong karangalan
4.    Micaella Jeremy Mago (Animo Green Eagles) na umawit ng Magkabilang Mundo ay nagkamit ng ikalimang karangalan
5.    John Danly Manuel (Red Stallions) na umawit ng Buko ay nagkamit ng ikaapat na karangalan
       Isa rin sa inabangan ay ang pagpapakita ng talento ng mga kandidato sa Little Miss and Mister STVPS 2016. Katulad ng mga kalahok sa bawat patimpalak sa elementarya, ang mga kalahok ng Little Miss and Mister STVPS 2016 ay kumatawan sa kani-kanilang kulay.
       Nagpakita ng galing sa pag-awit ang kandidato ng Red Stallions na si Miguel Caingat at sa pagsayaw naman at may kasama pang lip-sync si Kelsey Legaspi. Nagpakita rin ng talento sa pagkanta ang kandidato ng Yellow Cubs na si Yuan Sumaylo at pagsayaw naman ng Hawaiian Dance si Shiela Roxas. Galing sa pagsayaw naman ang ipinamalas ng kandidato ng Animo Green Eagles na si Eward Chua at husay sa pag-arte naman si Jade Avena. Nagpamalas din ng galing sa pagsayaw at pagkanta ang mga kandidato ng Black Phoenix na sina Yohann Beltran at Lyca Villegas. At ang galing sa pagkanta ng kandidato ng Blue Spartans na sina Santino Limgenco at Alexa Ramos. Pinangunahan ni Gng. Romina Landaos ang pangwakas na panalangin. Tunay na natuwa ang mga guro at mga mag-aaral na nanuod at nakibahagi sa palatuntunan. Kitang-kita na natuwa ang mga manunuod at saludo naman ang mga magulang ng mga kalahok.
       Pagsapit ng tanghali, ipinagpatuloy ang patimpalak para sa sekondarya na inaabangan ng karamihan – ang Sabayang Pagbigkas at pagpapakita ng talento ng mga kandidato sa Mister and Miss STVPS 2016. Unang nagtanghal ang Red Stallions na nagkamit ng ikalawang karangalan at sumunod ang Yellow Cubs na nagwagi ng ikaapat na karangalan. Nagtanghal naman ng kanilang talento sa pagma-magic sina Yumiko Uchida at Clarence de Jesus ng Red Stallions at sa pagsayaw at pagkanta naman sina Catherine Belga at Sam Formalejo. Sumunod na nagtanghal ng sabayang pagbigkas ay ang Animo Green na nagkamit ng ikalimang karangalan at ang Black Phoenix na nagwagi ng unang karangalan. Sina Alyssa Arias at George Domantay ng Animo Green Eagles ang sumunod na nagpakita ng talento sa pagguhit at pagkanta. Ang Blue Spartans na nagkamit ng ikatlong karangalan ang huling nagtanghal ng sabayang pagbigkas. Sina Alexandra Shannin Rosales at Simone Ibaretta naman ng Blue Spartans ang huling nagpakita ng kanilang galing sa pagkanta. Nagkaroon din tayo ng bisita na si Queen Stephanie Marzan na umawit para sa lahat. Hindi maipagkakaila na pinaghirapan at pinag-ensayuhang mabuti ng bawat kalahok ang kanilang presentasyon dahil nakita ang tuwa at saludo sa mga mata ng manunuod at kanilang mga tagasuporta.
       Pinangunahan ni Bb. Ma. Lourdes Derano ang pangwakas na panalangin. Sa huli ay natapos nang masaya at maayos ang programa. Hindi man natanggap agad ng iba ang naging pagbabago, sa huli ay nagtulungan at nagkaroon ang bawat isa ng mga bagong kaibigan na makakasama ngayong taon at sa mga susunod pa. Inaasahan din ng bawat isa ang pagpapatuloy ng pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag ng STVPS ngayong taon. Tunay ngang “Ang matatag na samahan ay pangmatagalan.”

Last Updated (Monday, 05 September 2016 08:11)