Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

October 20,21,23 2017 - Second Periodical Test

October 24, 2017 - Living Rosary

October 25, 2017 - Start of Semestral Break

November 6, 2017 - Classes Resume

 

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2017-2018
Affiliations
Who's Online
We have 20 guests online
December 2017
SMTWTFS
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31
Number of Hits
96171 Page Views

postheadericon "Wikang Filipino, Wika ng Pagkakaisa!"

User Rating: / 0
PoorBest 

Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 15, 1997 sa pamamagitan ng proklamasyon Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Kaugnay nito,maraming mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito gaya ng sabayang pagbigkas,balagtasan,paggawa ng islogan,paggawa ng mga sanaysay,pagbigkas ng mga tula,pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.

Ipinagdiwang ng Sto.Tomas de Villanueva ang Buwan ng Wika para sa sekondarya noong ika-1 ng hapon noong Agosto 29,2014 sa STVPS ground.SINA Bb. Maria Lourdes Derano at G. David Ordoveza na parehong guro sa Departamento ng Filipino ang naging tagapamuno ng seremonya. Ito ay nagsimula sa isang panalangin sa pamumuno ni Christia Lynette Piduca na mula sa IV-STV. Sinundan naman ito ng isang sayaw(Folk Dance) na inihanda ng mga mag-aaral mula sa Dance Club sa panguguna ni Gng. Glaiza Medina ang "Polka sa Nayon".Sumunod naman dito ay ang pagbabalagtasan ng tatlong mag-aaral mula sa ika-7 na baitang na sina Patricia Panaligan mula sa 7-BJSDR,Froilan Santos na mula sa 7-SMG at Kobe Diaz na mula sa 7-BGPF.Ito ay may pamagat na "Kaya Ba o Di Kaya ng mga pilipino na Magkaisa?" Tunay na makata ang mga Batang ito! Matapos noon ay sinimulan na ang paligsahan sa sabayang pagbigkas na nilahukan ng mga klase mula sa ika-7 hanggang ika-9 na baitang. Naimbitahang maging hurado sina G. Marcelino V. Malabanan, G. Arvin Culala at Gng. Zyrill Dela Rosa  sa nasabing paligsahan. Nang magsimula na ito, kanya-kanyang hiyaw at palakpakan ang maririnig sa mga mag-aaral ng STV. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang determinasyong manalo at kanilang pagmamahal sa sariling wika. Nang matapos ang lahat ng klase,nagsayaw mul ang mga mag-aaral ng Dance Club ng isang modernong sayaw naman na may pamagat na "Piliin mo ang Pilipinas". Matapos nito ay umawit naman sina Elainne Shantell Untiveros at Angelo Barabad na kapwa mula sa IV-STV ng isang awit na may pamagat na "Hanggang Ngayon". Ang pinakamahalagang bahagi ng paligsahan ay naganap sa huling bahagi. ito ay walang iba kundi ang oagpapahayag ng mga nagwagi. nauna na rito ang mga nanalo sa


1. PAUTAKANG PINOY

Ikatlong Karangalan:     Angelica Joyce Fabon (7-BGPF)
            Steven Kyle Viscayno (8-SGBM)
            John Kenneth Ramos (IV-DM)
            Joyce Ann Florentino (IV-DM)

Ikalawang Karangalan:    Razelle May Garcia (7-SMG)
            Kim Isabel Lavina (8-SFA)
            Romiena Gonzales (9-ICM)
            Coleen Gay Ponce (IV-DM)
            Rose Antoinette Sanchez (IV-STV)

Unang Karangalan:    Patricia MAy Panaligan (7-BJSDR)
            Mikaela Espanto (8-SAP)
            Victoria Baldeviso (9-MUoK)
            Ma. Shaneska Tagle (IV-STV)
            Christia Lynette Piduca (IV-STV)

2. LUTONG PINOY

Ikatlong Karangalan:    Team Bulacan (IV-DM)

Ikalawang Karangalan:     Team Pampanga (IV-DM)

Unang Karangalan:     Team Tarlac (IV-STV)

Kampeon:         Team Nueva Ecija (IV-STV)

 

 3. PICTURE ESSAY

Ikatlong Karangalan: Jielia Eugenio (8-SAP)

Ikalawang Karangalan: Kathleen Hernandez (7-BJSDR)

Unang Karangalan: Micah Mabon (7-SMG)

4. SABAYANG PAGBIGKAS

Ikatlong karangalan: 9-MuoK


Ikalawang karangalan: 8-SAP


Unang karangalan: 7-SMG

Kampeon: 9-SJHOM

Masigabong palakpakan ang natanggap ng mga nagwagi mula sa mga manonood. Bukod pa, ay nakatanggap rin sila ng sertipiko, medalya, tropeo at salapi. Malugod na binati ng mga tagapamuno ng seremonya ang lahat  ng nanalo sa iba't-ibang patimpalak. Natapos ang pagdiriwang sa panalanging pangwakas sa pamumuno ni Ma. Shaneska Tagle na mula sa IV-STV

"Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan". Tunay nga ang mga katagang binitawan ni Gat José Rizal. Ang mga mag-aaral ng STVPS ay nagpakita ng mga kakaibang talento sa pag-awit, pagsayaw, pagtula, sabayang pagbigkas at maging sa pagluluto. Tunay na nakakabilib! Dapat na lalo pang pagyamanin ang mga ganitong talento. Nararapat na mas mahasa pa ito  sa mga pagdiriwang na tulad ng sa Buwan ng Wika ng sa ganoo'y maisakatuparan natin na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

                            Ma. Shaneska Tagle
                            IV-STV