Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

October 20,21,23 2017 - Second Periodical Test

October 24, 2017 - Living Rosary

October 25, 2017 - Start of Semestral Break

November 6, 2017 - Classes Resume

 

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2017-2018
Affiliations
Who's Online
We have 9 guests online
December 2017
SMTWTFS
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31
Number of Hits
96164 Page Views

postheadericon Saints and Heroes No Less...Symposium for the Year of the Laity, Dinaluhan

User Rating: / 0
PoorBest 
By Gng. Alen Perez

Ang CBCP ay naglunsad ng isang programa para sa mga laiko na dinaluhan ng mga kasapi ng iba’t ibang organisasyon sa simbahan ng NCR. Isa ang ating paaralan na nakiisa sa nasabing pagtitipon kung saan nakilahok ang ating mga guro na sina Gng. Rechelle Carolino, Gng. Glaiza Medina, Gng Allen Perez, Bb. Marvie Grace Tejada at G. Ron John Villaseñor sa Taon ng mga Laiko. Isinagawa ito noong ika – 21 ng Agosto, 2014 sa ganap na 8:00 – 5:00 ng hapon sa loob ng Philsports Arena. Sinimulan ang programa sa pagdaos ng misa sa pamumuno ni Rev. Fr. Socrates B. Villegas, D.D. Arsobispo ng Lingayen – Dagupan at president ng Catholic Bishop Conference of the Philippines, at ng iba pang mga Obispo at mga pari. Sa Homilya ni Rev. Fr. Villegas ay binigyang diin niya ang kahalagahan at tungkulin ng isang laiko sa makabagong panahon. Ayon sa kanya, sila ang nagpapalawig o nagpapalawak sa banal na salita ng Diyos at may kakayahang magpatupad ng mga gawaing nito. Ito ay binubuo ng mga Obispo, pari, mga kinatawan ng parokya, mga miyembro ng Catholic Charismatic, pangkat ng mga relihiyoso at iba pang organisasyon ng simbahan.
Layunin ng programa na iparating sa bawat pamilya na ang pagrorosaryo ay ginagawa sa loob ng tahanan, pagsisimba tuwing araw ng Linggo, pakikilahok sa mga gawaing ispiritwal, pagsali sa mga organisasyong pangsimbahan at maging katekista. Sa pamamagitan nito ay napapalaganap ng bawat laiko ang salita ng Diyos. Naisasabuhay ang mga turo at aral ng simbahang Katoliko sa pang araw-araw na pamumuhay nila. Binigyang-diin din ang tatlong ministeryo na sumisimbolo o sumasalamin sa pagka-Pari, pagka-Propeta at pagka-Hari ni Kristo.
Para mas lalong maunawaan ng bawat tagapanood ang tungkulin ng isang laiko ay may mga panauhin na nagbibigay ng kani-kanilang testimonya. Tulad nila G. Bernie Villegas, G. Frank Padilla, G. at Gng. EJ at Toy Aguila, G. Raoul Boncal, Bb. Norma Ramos na nagbahagi ng kanilang karanasan bilang laiko.
Hindi rin matatawaran ang pagbibigay testimonya ni G. Bo Sanchez dahil siya lang naman ang isa sa mga itinuturing na magaling na tagapagsalita at manunulat ng mga aklat na nagbibigay inspirasyon sa mga tao upang mas lalong mapalalim pa ang kaalaman tungkol sa ating Panginoon. Ang huling nagbigay ng kanyang testimonya ay walang iba kundi ang lider ng El Shaddai na si Bro. Mike Velarde kaya naman mas naging makabuluhan ang pakikilahok at pananampalataya ng bawat isa na nakinig sa kanyang pahayag.
Tunay nga na ang ganitong uri ng programa ng CBCP ay nagsilbing daan sa bawat Pilipino na mas mapalapit sa ating Poong Maykapal kaya naman umaasa ang lahat, na ito na ang kasagutan upang mapalawig pa natin ang ating pananampalataya at pagsasabuhay ng aral ng Diyos.

Last Updated (Monday, 08 September 2014 10:12)