postheadericon stvps

postheadericon Unang Misa ng Biyernes para sa Buwan ng Agosto 2016


Ni: Mikaela G. Espanto

                Ika-5 ng Agosto, taong kasalukuyan nang ipagdiwang ng buong komunidad ng Sto. Tomas de Villanueva Parochial School ang Misa sa unang Biyernes ng buwan. Ito ay pinamunuan ni Fr. Darwin Calderon bilang punong paring tagapagdiwang at si Bb. Gina Bagtas bilang commentator. Ang nanguna naman sa unang pagbasa ay Si Bb. Jelisa Victrorino gurong tagapag-ugnay ng Departamento ng Filipino. Sinundan ito ng mag-aaral mula sa unang baitang na nanguna sa pagkanta ng Salmong Tugunan. Si Bb. Lourdes Derano, guro sa Filipino naman ang namuno sa Panalangin ng Bayan.
                Pagkatapos ng homilya na isinagawa ni Fr. Darwin ay naganap ang panunumpa ng mga bagong nahalal na PAC Officers (Parent Advisory Council) na pinangunahan ng PAC Officer president na si Mrs. Marilyn Vasquez. Ang pamunuan ng PAC ay may bagong itinalaga na tagapayo na si Bb. Maria Lucia M. Cruz na siya rin Assistant to the Principal at Gurong Tagapag-ugnay ng Matematika ng paaralan..
Narito ang listahan ng mga bagong halal na PAC Officiers:
President: Mrs. Marilyn Vasquez
Vice President: Mr. Bimbo Quiabel
Secretary: Mrs. Edgielyn Chua
Asst. Secretary: Mrs. Maureen Rogado
Auditor: Mr. Michael Tuscano
PRO (Internal): Mrs. Helen Frial
PRO (External): Mrs. Vilma Cruz
Sgt. at Arms: Mrs. Rochelle Salvacion at Mrs. Susan Tagle
Kinder: Mrs. Susan Tagle
Grade 1: Mr. Jose Marie Cruz
Grade 2: Mrs. Rose Dignos
Grade 3: Mrs. Letty Robles
Grade 4: Mrs. Erlinda Coliasao
Grade 5: Mrs. Ursula Cantos
Grade 6: Mrs. May Jane Lauc
Grade 7: Mrs. Eileen Tibayan
Grade 8: Mrs. Imelda Contemprato
Grade 9: Mrs. Soly Pates
Grade 10: Mrs. Lea Ramos
                Matapos ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ay nagkaroon naman ng pagbibigay ng katibayan ng Pasasalamat at Pagpapahalaga sa mga dating namumuno ng samahan. Maayos at masayang na natapos ang Banal na Misa. Nagkaroon din ng simple subalit makabuluhang pagsasalo-salo ang nabanggit na pamunuan pagkatapos ng Banal na pagdiriwang.