Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

July 28,29,30 2017 - Employees Retreat

July 28,30 2017 - No Classes

 

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2017-2018
Who's Online
We have 21 guests online
September 2017
SMTWTFS
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Number of Hits
89077 Page Views
Affiliations

postheadericon STVPS Filipino, Wikang Mapagbago 2017

User Rating: / 1
PoorBest 
Isinulat ni: Rachele T.Velarde ng Grade 10 – Divine Mercy


Maraming pagbabago ang nangyari sa mundo sa loob ng ilang tao kaalinsabay nito ang mga kaganapan sa Pilipnas. Isa na rito ang pagbabago ng mga salitang kinagisnan natin. Dahil sa mga pagbabagong tinatanggap natin, halos makalimutan na natin ang ating wika. Ayon kay Manuel L. Quezon “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.”                                                                                                         Taon-taon, tayo ay nagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ito ay ginanap noong ika-25 ng Agosto, 2017. Nagsimula ang programa para sa elementarya. Sina Bb. Marilyn D. Azures at Bb. Paola L. Villegas ang mga tagapagdaloy ng palatuntunan. Ang pambungad na panalangin ay pinamunuan ni Bb. Rhianne Eunice Ramos at sinundan ng pagkanta ng pambansang awit sa pagkumpas ni Bb. Jamie Andrea Santos. Naghatid ng pambungad na pananalita ang ating butihing punong-guro, Dr. Marcella Bejado. Binigyang-diin niya ang apat na letrang makikita sa tema ng ating Buwan ng Wika. Ito ay ang mga letrang: B, A, G at O. Ayon sa kanya, “Ang wika ay Buhay at mapagbago. Ang wikang Filipino ay ating Angkinin, Gamitin dahil galing ito sa mga malilikhain at ito ay isang Obra.” Sinimulan ang programa sa pagpapakilala sa mga hurado. Sina Gng. Rogel, Gng. Nahag at Gng. Aquino ang naging hurado sa Masining na Pagtula at Pagkukwento. Unang ginanap ang Pagtula na nilahukan ng mga estudyanteng nasa una at ikalawang baitang. Ang tula ay pinamagatang “Ang Ama at Ina Ko.” Ang mga kalahok ay sina:
1.    Ramos, Christane Loiusse (1-STCoJ) na nagkamit ng ikaapat na karangalan
2.    Cruz, Davey Anne (1-CoF) na nagkamit ng unang karangalan
3.    Loremas, Gabriel Angelo (2-SLR) na nagkamit ng ikalawang karangalan
4.    Cruz, Julianne Margaret (2-SLR) na nagkamit ng ikatlong karangalan
Sumunod naman ay ang patimpalak para sa Masining na Pagkukwento na nilahukan ng mga estudyanteng nasa ikatlo at ikaapat na baitang. Ang kwento ay pinamagatang “Ang Alitaptap at Ang Paru-paro.” Ang mga kalahok ay sina:
1.    Dayamante, Hael Miro (3-SNdC) na nagkamit ng ikaapat na karangalan
2.    Marcos, Alexa Cassandra (3-SMdP) na nagkamit ng unang karangalan
3.    Hernandez, Thea Morynne (4-SToA) na nagkamit ng ikatlong karangalan
4.    Villanueva, Shanesca (4-SToA) na nagkamit ng ikalawang karangalan
Ang pangatlong patimpalak ay ang Isahang Pag-awit na nilahukan ng mga estudyanteng nasa ikalima at ikaanim na baitang. Ang mga kalahok ay sina:
1.    Consador, Zynah Viel (5-SDdG) na kumanta ng “Anak ng Pasig” ay nagkamit ng unang karangalan
2.    Cabalatungan, Zyllana (5-SDdG) na kumanta ng “Ikaw” ay nagkamit ng ikalawang karangalan
3.    Manuel, John Danly (6-SPP) na kumanta ng “Dahil Sa’yo” ay nagkamit ng ikaapat na karangalan
4.    Cruz, Rizza Ysabelle (6-SFC) na kumanta ng “Tadhana” ay nagkamit ng ikatlong karangalan
Nagpamalas rin ng talento ang iba pa nating  kamag-aral. Sila ay ang mga sumusunod Dulay, Julian Marcus (4-SToA) ay kumanta ng “Isang Lahi”; Lopez, Wingkyrose Nicole (10-STA) ay nagpamalas ng kanyang talento sa spoken word poetry na pinamagatang “Wikang Filipino”, ang S.W.A.G. Crew sa pangangalaga ni G. Carlo Mercado ay sumayaw at mga mag-aaral na nursery at kinder sa pangangalaga ni Gng. Christina Santoyo ay nagtanghal ng akrostik na may pamagat na “Wikang Filipino”.
Ginawaran din ng pagkilala ang mga nanalo sa First Utatak Pinoy Quiz Bee.
Pinamunuan ni Bb. Gwen Caoile ang pangwakas na panalangin at natapos ang programa para sa elementarya ng eksaktong 9:30 ng umaga.
Sinimulan ang programa para sa sekondarya ng eksaktong alas dyes ng umaga. Sina Bb. Marilyn D. Azures at Bb. Paola L. Villegas pa rin  ang mga tagapagdaloy ng palatuntunan. Ang pambungad na panalangin ay pinamunuan ni Bb. Romelyn Margareth Gonzales  at sinundan ng pagkanta ng pambansang awit sa pagkumpas ni Bb. Kaye Armachuelo. Naghatid ulit ng pambungad na pananalita ang ating butihing punong-guro, Dr. Marcella Bejado. Unang ginanap ang Likhayaw na nilahukan ng mga estudyanteng nasa ikapito at ikawalong baitang. Ang kanta ay pinamagatang “Wika Natin To.” Ang mga kalahok ay ang mga sumusunod:
1.    Gr. 8-SAP na nagkamit ng ikatlong karangalan
2.    Gr. 7-BGPF na nagkamit ng ikaapat na karangalan
3.    Gr. 8-SGBM  na nagkamit ng unang karangalan
4.    Gr. 8-SFA na nagkamit ng unang karangalan
Ginawaran ng Pagkilala sina Daniella Louise Barbacena (7-BGPF) at Kyle Jewel Isaac (8-SFA) dahil sa kanilang pagiging mahusay na pinuno.
Sumunod naman ay ang patimpalak para sa Sabayang Pagbigkas na nilahukan ng mga estudyanteng nasa ikasiyam at ikasampung baitang. Ang piyesa ay pinamagatang “Ang Teknolohiya at Ang Wika.” Ang mga kalahok ay ang mga sumusunod:
1.    Gr. 10 - STA  na nagkamit ng ikaapat na  karangalan
2.    Gr. 9-MUoK na nagkamit ng ikatlong karangalan
3.    Gr. 9-ICM  na nagkamit ng ikalawang karangalan
4.    Gr. 10-STV na nagkamit ng unang karangalan
Ginawaran din ng Pagkilala sina Roanne Aurel Paro Cruz  (9-MUoK)  at  Razelle May Garcia (10-STV) dahil sa kanilang pagiging mahusay na lider.
Nagpamalas ng kanilang talento sa Spoken Word Poetry sina:
1.    Alfonso, Francine Nicole (9-SJHoM) ay itinanghal ang “Paano ang Makalimot”
2.    Lopez, Wingkyrose Nicole (10-STA) ay prisinenta ang “Ako’y Pagod Na” ni Mehanna Lanzaga
3.    Dris, Bridget Denice (10-STA) ay itinanghal ang “Ang Pagbabalik” ni Trisha De San Jose
Sina Kate Andrea Espiritu at Lady Andrea Cruz ng 9-MUoK ay nagpamalas din ng kanilang talento sa pag-awit. Ginawaran ng Pagkilala ang mga mag-aaral na hindi nakasali sa mga patimpalak. Pinamunuan ni Bb. Rayeziel Adriene Ma. Quilala  ang pangwakas na panalangin at natapos ang programa para sa sekondarya ng eksaktong ala- una ng tanghali. Naging masaya at maayos ang daloy ng dalawang programa.








 

Last Updated (Thursday, 07 September 2017 04:47)