Custom Search
Get Adobe Flash player
My STVPS


Get the Flash Player to see this player.

time2online Joomla Extensions: Simple Video Flash Player Module
Main menu
Gallery

In order to view this object you need Flash Player 9+ support!

Get Adobe Flash player

Powered by RS Web Solutions

Announcement

June 13, 2017 - Opening of Classes

June 24, 2017 - Parent's Orientation

June 26, 2017 - Eidul Fitr No Classes

 

 

Facebook Share
Share us on facebook
Clubs and Organizations
School Calendar 2017-2018
Who's Online
We have 19 guests online
June 2017
SMTWTFS
123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930
Number of Hits
82682 Page Views
Affiliations

postheadericon Ika-50 Taong Anibersaryo ng STVPS

User Rating: / 0
PoorBest 
 (Ni: Ronally Anne M. Doctor)
     Isang maligayang bati para sa mahal nating paaralan na nagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag. Mula 1966 hanggang kasalukuyan na nagbibigay ng tapat at dedikadong serbisyo para sa buong pamayanan ng STVPS. Limampung taong ng pagtutulungan at pagmamahalan na hindi maipagkakaila sa naganap na unang araw ng selebrasyon noong Setyembre 19, 2016. Sinimulan ang nasabing pagdiriwang ng misa na pinamunuan ni Fr. Darwin Calderon at sinundan naman ng parada. Pagdating ng paaralan ay naghanda na ang bawat isa upang masaksihan ang palaro para sa elementarya.
     Ganap na ika-10 ng umaga sinimulan ang programa. Pinamunuan ni Gng. Frial ang pambungad na panalangin na sinundan naman ng paunang pagbati ng ating direktor na si Dr. Leo Galve. Sumunod ay ang unang 10 raffle draw sa pamumuno ni Gng. Vasquez na sinundan ng magiliw na sayaw ng mga mag-aaral sa preschool. Pagkatapos ay nagkaroon ng 5 raffle draw sa pamumuno ni Bb. Victorino na sinundan ng unang palaro na stop dance para sa mga mag-aaral ng unang baitang kung saan ang nanalo ay ang Yellow Cubs at Blue Spartans. Sumunod ang ikatlong raffle draw na sinundan ng ikalawang palaro na Hug-A-Balloon para sa mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong baitang na kung saan ang nanalo ay ang Animo Green Eagles. Pagkatapos ay nagkaroon ng raffle draw sa pamumuno ni  Gng. Tubelleza na sinundan ng ikatlong palaro na Stack Attack na kung saan ang nagwagi ay Animo Green Eagles. Nagkaroon muli ng raffle draw sa pamumuno ni Bb. Malou Cruz at sinundan ng ikaapat na palaro na Amazing Race na kung saan ang nagwagi ay ang Blue Spartans. Pagkatapos ay nagkaroon ng huling raffle draw sa pamumuno ng ating punong-guro na si Sr. Rosalie Regencia OP. Nagtapos ang programa sa elementarya sa pangwakas na panalangin ni Gng. Santiago. Pagsapit ng ika-2 ng hapon ay sinimulan ang Quiz Bee. Nagkaroon ng madikit na labanan sa pagitan ng limang grupo na binubuo ng pitong kalahok mula ikaapat hanggang ikasampung baitang. Ang mga nagwagi ay:
Black Phoenix sa Ikalimang pwesto
Yellow Cubs sa Ikaapat na pwesto
Red Stallions sa Ikatlong pwesto
Blue Spartans sa Ikalawang pwesto
Animo Green Eagles ang nagkamit ng unang pwesto
     Nagbunga ng masaya at makabuluhang pagdiriwang ang paghihirap ng mga guro, mag-aaral, mga magulang, at ng buong pamayanan ng STVPS. Hindi maikakaila na ang nanaig ay pagtutulungan sa bawat isa. Hindi mawawala ang pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa ating patrong si Sto. Tomas. Masasabi kong ngayong taon ay isa sa mga di makakalimutang taon sa STVPS hindi lamang dahil ito ang ika-50 taong anibersaryo ngunit dahil dito naipakita ng karamihan ang kani-kanilang talento. Mapapatunayan na ang pagtutulungan ay nagbubunga ng matatag na samahan.

Last Updated (Thursday, 06 October 2016 10:25)